TROPANG GIGA, TINANGGAL NA SI MIKEY WILLIAMS
Matapos na hindi magpakita si Mikey Williams sa kanyang mother team na TNT sa pagbubukas ng Commissioner’s Cup, tinerminate na ang kanyang kontrata sa Tropang Giga.
Ayon sa report ni Homer Sayson, humihingi umano ang kampo ni Mikey Williams ng P2.4 Million a month para maglaro ulit sa PBA. Pero hindi ito pinagbigyan ng TNT dahil masyado itong malaki.
Sagot naman ng kampo ni Williams, hindi umano totoo ito na humuhingi ito ng ganon kalaking halaga para makapaglaro sa Gilas sa Asian Games sa China.
Tuloy namn ang buhay sa Tropang Giga sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup kahit walang Mikey at butas-butas pa ang lineup dahil sa injuries.
Pumirma ng three-year contract extension ang Final’s MVP ng nakaraang Governor’s Cup na si Mikey, at pagkatapos ng season ay nagbakasyon na siya sa US noong nakaraang taon.
Sa naturang kontrata ay may player option na humingi ng bagong negosasyon pagkatapos ng isang taon.
Hindi nagkasundo, walang pinatunguhan ang usapan na inumpisahan ni coach Jojo Lastimosa at ipinasa kay senior consultant Chot Reyes.
Wala rin umanong plano ang TNT na i-trade ang 32-year-old na 2021 Rookie of the Year?
Malamang mabuburo si Mikey kung rerendahan ng mother team ang rights sa kanya.
Sinukuan na ni coach Jojo Lastimosa ng TNT ang pakikipagnegosasyon kay Fil-Am Mikey Williams.
Ayon kay Lastimosa, bahala na siya sa buhay niya! Wala nang pakialam ang team sa kanya.
Kailangan na raw niyang mag-focus sa pagtitimon sa Tropang Giga sa Commissioner’s Cup, at ipinasa ang pakikipag-usap kay Williams kay senior consultant Chot Reyes.
Dagdag pa ni Coach Jolas, nagpalit muna kami ng role.
Bukod sa pagiging head coach, si Lastimosa pa rin ang team manager ng TNT.

