BUONG MATA NG SUNDALO, NAPALITAN SA KAUNA-UNAHANG MATAGUMPAY NA WHOLE-EYE TRANSPLANT

Kinilala bilang pambihirang tagumpay sa larangan ng medisina ang naisagawa ng mga surgeon sa New York na kauna-unahang whole-eye transplant sa isang tao.

Ayon sa surgical team sa NYU Langone Health, sa anim na buwan matapos ang operasyon, bagaman hindi pa nakakakita ang transplanted eye ay nagpakita ito ng mahalagang senyales ng maayos na kondisyon, kabilang ang maayos na paggana ng daluyan ng dugo at magandang itsura ng retina.

Hanggang ngayon daw ay tanging ang transplant ng cornea, na malinaw na front layer ng mata, pa lamang ang nagagawa ng mga doctor.

Kabilang sa isinagawang pagsasaayos ng mukha ng isang apat naput anim na military veteran na si Aaron James mula sa Arkansas ang naturang operasyon sa mata.

Nakaligtas ang military veteran sa work-related voltage electrical accident na sumira sa kanyang kaliwang bahagi ng kanyang mukha, ng ilong, bibig at kaliwang mata.

Umabot naman ng 21 hours ang transplant surgery kung saan ang buong matang ikinabit ay dinonate sa sundalo.