SENATOR IMEE MARCOS, MULING NAGTUNGO SA NUEVA ECIJA PARA SA DISTRIBUSYON NG AICS CASH ASSISTANCE; KAARAWAN NG SENADORA, IPINAGDIWANG DIN SA NUEVA ECIJA

Muling nagtungo sa lalawigan ng Nueva Ecija si Senator Imee Marcos upang magbahagi ng P3,000 cash assistance para sa 1,000 beneficiaries mula sa San Jose City at Talavera sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng San Jose City at Talavera nitong ika-17 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Kabilang sa binigyan ng nasabing cash assistance ay ang mga senior citizens, solo parents at Persons with Disability (PWD).

Kasabay ng pamamahagi ng programang AICS, ay ipinagdiwang din ni Senator Imee ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa San Jose City at Talavera, kung saan naganap ang “#IMEEMukbang”.

Masayang naidaos ang #IMEEMukbang o ang kainan na inihanda ng mga market vendors sa San Jose Public Market at The Nest, Talavera.

Bukod sa kainan, ay nagkaroon din ng mga palaro at pamimigay ng regalo sa mga nakakatandang nagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa senadora, ang layunin ng programang AICS ay magpapatuloy upang matulungan ang mga nangangailangan na Pilipino sa buong bansa.