“PATOTOY”, “TABAYAG”, PATOK NA PAGKAIN SA PANGASINAN AT BATANGAS

Kapag narinig ang mga salitang “patotoy” at “tabayag” ay maaaring malaswa ang isipin ng mga taong makakarinig nito, pero ang hindi alam ng marami ang dalawang salitang ito ay mga pagkain sa Pangasinan at Batangas.

Patok at kinatatakaman sa Pangasinan ang “patotoy” na isang uri ng kakanin na katunog ng tawag sa ari ng batang lalaki na hindi pa natutuli.

Isang delicacy na parang suman pero hindi nakabalot nang buo sa dahon ng saging ang “patotoy”, sa halip ito ay hinuhulma ng pahaba na tila hugis ng ari ng isang batang lalaki na pinalamanan ng yema, habang ang iba naman ay salted caramel ang gamit.

Kinalakihan naman sa Batangas ang pagkaing ginisang “tabayag” na isang putahe ng gulay.

Kalimitang nakukuha ang mga sangkap nito sa kanilang bakuran at minsan ay ipinambabaon din nila sa eskwelahan.

Ang “tabayag” ay ang iba pa daw nilang tawag sa gulay na upo.

Ayon sa programang “I Juander”, ibinabase ng maraming Pilipino sa kanilang nakikitang kahugis o kaanyo sa ipapangalan sa isang bagay para madali daw nilang matandaan.