INA NG PARALYMPIC ATHLETE, PINATATAG NG PANALANGIN SA PANGINOON
Sa panahon ng kabiguan ay pinatatag at pinalakas ng Panginoon ang ina ng isang paralympic athlete na dumanas ng malaking pagsubok sa murang edad.
Ibinahagi ni Leah Salazar ang kanilang mga karanasan bilang isang ina sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.
Nakikilahok ang bunsong anak ni Leah Salazar na si Francis sa mga paralympic o ang palaro para sa mga may kapansanan.
Mayroong above the knee amputated left leg si Francis, ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay magwagi bilang paralympic champion sa larangan ng swimming.
Kwento ni Leah, naaksidente si Francis noong taong 2016 kung saan sampung taon pa lamang ito, kaya naman naging labis ang kaniyang pagdarasal na sana ay hindi pa kuhanin ang buhay ng kanyang bunsong anak.
Sa kabila ng kanilang pinagdaanan noong naaksidente at nagrerecover ang kanyang anak, ay kumapit lamang sila Sa Panginoon at kalaunan ay napawi ang kanilang mga kalungkutan at napalitan ng tagumpay.
Labis umanong nakatulong ang mga swimming competition kanyang anak hindi lamang sa pisikal, kundi maging emosyonal dahil bumalik ang kumpyansa nito sa kanyang sarili at bumalik din ang dati nitong sigla.

