BABALA!!! SENSITIBONG BALITA:
KILALA NA! MASTERMIND, HIRED KILLERS, SA PAMAMARIL SA MAG-LIVE IN PARTNER NA PINAGBABARIL SA BUS CARRANGLAN
Inihahanda na umano ang mga kasong kriminal laban sa mastermind, at dalawang gun men sa pamamaril sa umano’y maglive-in partner na sina Gloria Quillano, 60 years old, at Arman Bautista, 55-anyos sakay ng Victory Liner bus habang bumibyahe sa Carranglan, Nueva Ecija noong November 15, 2023.
Sa isang panayam kay Philippine National Police public information office chief Col. Jean Fajardo, sinabi nito na nasa kanila na ang pangalan ng tatlong suspek.
Paliwanag nito, nakilala ang mga gunmen sa pamamagitan ng ballistic examination mula sa mga nakaraang insidente ng pamamaril sa Echague, Isabela at Nueva Ecija.
Pinaniniwalaang hired killer ang mga suspek. Hindi na nagdetalye pa si Fajardo dahil ayaw niyang pangunahan ang anunsyo ng Nueva Ecija police.

