Napasana all ang mga netizens sa pangmalakasang “sabit” o “dulot” para sa mga ninong at ninang sa kasal ng magkasingtahan na sina Jaypee Pagcaliwagan at Michelle Villano Añonuevo sa Batangas.

Kasi naman sa viral post ni Michelle ay makikita ang mga nakapalibot na mga malalaking basket na puno ng cakes at prutas at sa bawat katapat na upuan ay may isang malaking buong pata ng baboy.

Maliban pa sa mga ito ay may mga buhay pang kambing ang nakahilera na nag-aabang din para sa mga ninong at ninang.

Ayon sa post ni Michelle, ganito ang kasalang probinsya sa Batangas at talagang ganito daw ang mangyayari kapag ang Batangueña ay napaibig sa Batangueño.

Tradisyon na sa probinsya ng Batangas ang “sabit” o “dulot” kung saan ang magkasintahang ikakasal ang mamamahagi ng regalo sa kanilang mga magiging ninong at ninang bago ang itinakdang araw ng kanilang kasal.

Nagpasalamat naman si Michelle sa kanyang post sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang maisakatuparan ng maayos at masaya ang kanilang “sabit”