BABALA‼️ SENSITIBONG BALITA:

CONSTRUCTION WORKER, TATLONG BINATA, HULI SA POT SESSION SA GEN. TINIO PAPAYA

Arestado ang isang tulak, at tatlong gumagamit ng droga sa isinagawang Anti-illegal Drug-bust Operation ng Nueva Ecija Police, at PDEA sa Barangay Padolina, General Tinio noong December 3, 2023.

Kinilala ang suspek na nagbebenta umano ng droga na isang 50-year-old na lalaki, may asawa, construction worker, at residente ng nasabing lugar.

Habang ang tatlo pang suspek ay isang kwarentay kwatro anyos, at 25-year-old na parehong binate at construction worker, at mga residente rin ng Padolina, Gen Tinio, at isa pang kwarentay singko anyos na binata, painter, at residente naman ng Brgy., San Josef, Peñaranda, Nueva Ecija.

Base sa report ng kapulisan, alas tres ng hapon nang dakipin ang tulak ng illegal na droga na nakuhanan ng more or less 1 gram ng hinihinalang shabu with an estimated value of Php6,800.00.

Pagpunta ng mga awtoridad sa bahay nito ay nahuli umano sa akto ng pot session ang tatlo pang suspek kung saan nasamsam ang iba’t ibang drug paraphernalia.