BABALA!!! SENSITIBONG BALITA
GUN-FOR-HIRE NA NAG-OOPERATE UMANO SA NUEVA ECIJA AT ISABELA, NADAKIP NG KAPULISAN
Nahuli na ng kapulisan ang isa sa dalawang indibidwal na pinaniniwalaang konektado sa pamamaril sa mag-live in partner na sakay ng Victory Liner bus sa Carranglan, Nueva Ecija noong November 15, 2023.
Kinilala ni Nueva Ecija Provincial Director PCOL Richard Caballero ang naaresto na si Allan Delos Santos y Angeles na may mga Warrant of Arrest para sa mga kasong Statutory Rape at Sexual Assault.
Lumabas sa malalim na pagsisiyasat na si Delos Santos ay isang kilalang gun-for-hire na nag-ooperate sa Nueva Ecija at Isabela.
Nang madakip sa Dilasag, Aurora noong Nobyembre 20, nagbigay si Delos Santos ng mahalagang impormasyon tungkol sa kanyang partisipasyon sa pagpatay sa mga biktimang sina Gloria Atillano at Arman Bautista, at boluntaryong nagsagawa ng extra-judicial confession sa tulong ng kanyang abogado.
Noong Disyembre 11, 2023, inihain sa Prosecutor’s Office sa Nueva Ecija ang 2 counts of murder laban kay Delos Santos at apat na iba pang suspek.

