ZARAGOZA CENTRAL SCHOOL, WAGI SA PAROL MAKING COMPETITION 2023 NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA

Naiuwi ng Zaragoza Central School ang P100,000 cash price matapos tanghalin bilang champion ang kanilang entry sa naganap na Paskuhan sa Kapitolyo: Parol Making Competition 2023 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Naganap ang judging ng parol making competition sa Freedom Park, Cabanatuan City nitong ika-7 ng Disyembre taong 2023.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Atty. Jose San Pedro, sa ikatlong taon ng Parol Making Competition ay mayroong labing isang kalahok na nagmula sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija.

Kabilang din sa mga nagwagi ang entry mula sa San Agustin Integrated School, San Jose City na nag-uwi ng P50,000 bilang second place.

Nasungkit naman ng Carmen National High School, Zaragoza ang third place na mayroong P25,000 cash prize.

Habang ang DepEd, San Antonio District naman ang nagwagi sa People’s Choice Award at nag-uwi ng P5,000 cash prize matapos na magkamit ng pinakamaraming “reactions” sa Facebook ang kanilang entry.