BABALA!!! SENSITIBONG BALITA:
1 KILO MARIJUANA, NAKUMPISKA SA TATLONG BINATA
Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to Section 26B (conspiracy to sell) of Republic Act 9165 ang tatlong binatang nahulihan umano ng isang kilong marijuana sa isinagawang entrapment operation ng PDEA Aurora Provincial Office and PDEA Regional Office III sa Barangay Sta. Maria, Porac, Pampanga noong December 13, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina:
- Mark Angelo Sunga y Hiquiana, 23 years old, single, residente ng Brgy Sta Cruz, Porac, Pampanga;
- Lemuel David y Mangalino, bente uno anyos, binata; at
- Karl De Leon y Manalang, 24 years old, single, na parehong residente ng Brgy Capaya 2, Angeles City, Pampanga.
Narekober umano sa mga ito ang one rectangular brick wrap na naglalaman ng more or less 1,000 grams of cannabis o marijuana na nagkakahalaga ng Php 120,000.00; one unit tricycle; one unit Motorcycle; at marked money na ginamit ng mga nagpanggap na buyer ng droga.

