50 CHILD LABORERS SA NUEVA ECIJA, NABENEPISYUHAN NG PROJECT ANGEL TREE NG DOLE KATUWANG ANG PGNE AT PESO

Nasa 50 child laborers kasama ang kanilang mga magulang ang nabenepisyuhan ng Project Angel Tree ng Department of Labor and Employment katuwang ang Provincial Government of Nueva Ecija at Public Employment Service Office kamakailan.

Ang Project Angel Tree ay bahagi ng DOLE Child Labor and Prevention and Elimination Program na naglalayong masugpo ang kaso ng Child Labor o mga batang manggagawa sa bansa.

Nagbibigay ito ng mga serbisyong panlipunan mula sa pagkain, pananamit, tulong sa edukasyon o mga gamit sa paaralan at trabaho na ibinibigay ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa ginanap na aktibidad ng DOLE at PESO-NE, nakatanggap ang mga magulang at bata ng groceries at school kits na magagamit nila sa kanilang pag-aaral na handog ng kapitolyo sa pangunguna ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali.

Bukod dito ay inalok din ang mga magulang ng livelihood program upang hindi na maobliga ang mga batang magtrabaho sa murang edad at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga nanay at tatay para masuportahan ang mga pangangailangan ng pamilya.

Kaugnay pa rin ng ika-90th anibersaryo ng DOLE ay nagkaroon din ng mga palaro at papremyo na lalong nagpasaya sa mga nagsidalo.

Handa naman ang DOLE-NE na tumulong sa mga kabataan para maiahon sila sa pagtatrabaho dahil bawat bata ay may karapatang magpahinga at makisali sa mga aktibidad na angkop sa kanilang edad.