BABALA! SENSITIBONG BALITA:

MGA KABATAAN, NAGKA-INITAN SA INUMAN SA ZARAGOZA; NAUWI SA SAKSAKAN

Inaresto ng mga pulis ang isang disi otso anyos na lalaki dahil sa pananaksak sa bayan ng Zaragoza.

Kinilala ang mga biktimang sina Joselito Reyla, 18 years old na napatay sa insidente; Armando Peralta, bente anyos, at isang menor de edad.

Lahat maging ang suspek ay residente ng Barangay Macarse ng nasabing bayan.

Base sa inisyal na report na isinumite sa Nueva Ecija Provincial Police, December 30, 2024 nag-iinuman ang apat sa nabanggit na lugar nang magkaroon ng mainit na pagtatalo na humantong sa suntukan.

Bumunot umano ng kutsilyo ang suspek na hindi pinangalanan at inatake ang mga biktima kung saan nagtamo ng maraming sugat sina Reyla at ang kasama nilang menor de edad, habang si Peralta na umawat na ay nasugatan din.

Itinakbo sa Lapaz Medicare Center sa Tarlac ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Joselito Reyla.