969 YEARS OLD, EDAD NG PINAKA MATANDANG TAO NA NABUHAY SA MUNDO

Sa ating bansa masuwerte na kung ang isang tao ay umabot sa 100 years old dahil kahit papaano ay may matatanggap na isandaang libong cash gift mula sa gobyerno.

Noong nakaraang April 2024 mayroong 111 years old na mula sa UK ang nakakuha ng Guinness World Record bilang pinakamatandang lalaki sa mundo ngayon.

At noong namang Setyembre, isang babae naman mula sa bansang Japan na nag ngangalang Tomiko Itooka ang nakakuha ng Guinness World Record na pinakamatandang babae sa kasalukuyan sa edad na 116

Pero alam nyo ba na mayroong pinakamatandang Pilipina ang umabot sa edad na 124 years old na si Francisca Montes Susano mula sa Negros Occidental na ipinanganak ito noong September 11, 1897

Sa panahon naman nila Adan at Eba, may mga taong nabuhay ng halos umabot na sa isang libong taon na nakasulat sa Genesis sa Bibliya.

Gaya na lamang ni Enoch na umabot sa edad na 365, siya ang lolo ni Noah.

Si Lamech ay 777 years old, siya ang tatay ni Noah. Edad 182 si Lamech nang ipinanganak si Noah ayon sa Bibilia na nakasulat sa Genesis

Si Mahalalel ay umabot sa 895 years old, Enos-905, Seth-912 na pangatlong anak nila Adan at Eba. 130 years old naman si Adan nang ipinanganak ito.

Naabot ni Adan ang 930 years old. Siya ang unang tao sa mundo na nilikha ng Diyos, naging anak ni Eba ay sina Cain at Abel.

Si Noah naman ay 950 years old isa rin sa kilalang tao sa Bibliya na inutusan ng Diyos na gumawa ng malaking Daong o Arko para maligtas ang mga hayop at ang kanyang pamilya sa matinding pagbaha bilang paglipol sa mga taong makasalanan, kung saan halos lahat ng tao ay namatay. Ang mga nasa Arko o pamilya lamang ni Noah ang nabuhay.

si Jared naman ang pangalawa sa pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo na may edad na 962 years old na nabanggit sa Bibliya.

At ang pinakamatandang tao na nabuhay sa kasaysayan ng Bibliya ay si Mathuselah o Methusalem na may edad na 969.

Si Methusalem ay anak ni Enoch at ama ni Lamech at Lolo ni Noah.

Marami ang hindi naniniwala at marami rin ang naniniwala at nagsasabing hindi literal ang edad ng mga sinasabi sa Bibliya.

Kayo ba ay naniniwala? Ikaw gusto mo rin bang mabuhay ng isandaan o isanlibong taon?