MGA NEGOSYONG NAGTATAGUYOD NG TURISMO NG NUEVA ECIJA, INIHAHANDA NA PARA SA PAGDAGSA NG MGA TURISTA
Inihahanda na ng Provincial Tourism Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng akreditasyon mula sa Department of Tourism (DOT) Region III, ang mga stakeholder o mga negosyong nagtataguyod ng turismo sa lalawigan para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista.
CHARGEN: PROVINCIAL TOURISM OFFICE, LAYUNING MABIGYAN NG AKREDITASYON ANG LAHAT NG STAKEHOLDERS
Ayon kay Acting Provincial Tourism Officer Jan Mara Stefan San Pedro, layunin nilang mabigyan ng akireditasyon mula sa DOT ang lahat ng mga establisyemento na kabilang sa industriya ng turismo upang matiyak ang kaligtasan ng mga papasok na bisita sa probinsya.

