57 PALAPAG NA GUSALI SA CHINA, TINAPOS LANG SA LOOB NG 19 DAYS?

Isa sa ipinagmamalaki ng bansang China na nakamit nila ang tagumpay sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang kahanga-hanga at makapigil hiningang 57 floor building na kanilang ginawa sa loob lamang ng 19 na araw.

Ayon sa bise presidente ng kumpanya na si Xiao Changgeng ng Broad Sustainable Building Co. ay naglagay sila ng hugis-parihaba, salamin-at-bakal na Mini Sky City sa Hunan provincial capital ng Changsha gamit ang modular na pamamaraan para mapabilis ang pagkabit at mag-assemble ng tatlong palapag bawat araw.

Ayon sa Chinese construction company, sila ang pinakamabilis na nakabuo sa skyscraper sa loob ng 19 na araw ng trabaho sa central China. Ang Mini Sky City ay mayroong 19 na atrium, 800 apartments at office space para sa 4,000 katao. Matibay at ligtas umano ang istraktura lalo sa lindol.

Ang kumpanya ay naghihintay ng pag-apruba para sa kanyang ambisyon na 220-palapag na Sky City sa Changsha na kanilang gagawin sa loob lamang ng tatlong buwan.

Kung dito sa Pinas kaya, palagay nyo ilang buwan o taon kayang gaagawin ang ganito kataas na mga gusali?