MEDICAL EQUIPMENT, HANDOG NG ‘THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS’ SA BONGABON DISTRICT HOSPITAL

Nakatanggap ang Bongabon District Hospital (BDH) ng mga bagong kagamitan para sa kanilang operating at emergency rooms, mula sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Ayon kay Dra. Avesta Zayin V. Bautista, OIC-Chief of Hospital ng BDH, mahalaga ang mga donasyon na kanilang natanggap, dahil magagamit sa operasyon tulad ng caesarean section, appendectomy, at iba pang surgical procedures.

Ang donasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng simbahan na magbigay ng humanitarian aid sa mga nangangailangang komunidad.

Humiling umano ang ospital sa nasabing simbahan upang magkaroon ng mga makabagong machines, alinsunod sa inisyatiba ng Kapitolyo na magbigay ng libre at de-kalidad na operasyon para sa mga Novo Ecijanos.

Inaasahan na ang mga bagong medical equipments ay magpapataas sa kapasidad ng Bongabon District Hospital sa pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga nangangailangan.