DE AIRCON NA WAITING SHED SA PANGASINAN, GINHAWA ANG DULOT SA MGA COMMUTERS, SENIOR CITIZENS
Malaking ginhawa para sa mga commuters at mga senior citizens ang pagkakaroon ng air-conditioned na waiting shed sa Brgy. Poblacion sa Mapandan, Pangasinan habang naghihintay ng masasakyan lalo na sa panahon ng tag-init.
Base sa ulat nilaanan ng Php500,000 ang modernong waiting shed na galing sa 20 percent development fund ng lokal na pamahalaan.
Muli din umano silang maglalaan ng nasa Php200,000-Php300,000 para sa second phase ng proyekto para sa paglalagay naman ng solar panels upang makatipid sa kuryente.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang naturang proyekto na mayroong dalawampong kataong kapasidad kung saan prayoridad na gumamit nito ang mga matatanda, buntis at persons with disabilities.
Binuksan ito sa publiko noong Disyembre 20 nang nakaraang taon para magbigay ng komportable at ligtas na hintayan ng masasakyan sa mga residente.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na ligtas ang waiting shed para sa mga kabataan na magpapasundo sa kanilang mga magulang sapagkat may mga pulis na magbabantay dito para sa seguridad.
Ang modernong waiting shed ay bukas mula alas sais ng umaga hanggang alas dyes ng gabi.
Pagpapanatili ng kalinisan nito ang pakiusap ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan.

