BABALA! SENSITIBONG BALITA:

BIG-TIME DRUG TRADER, NASAKOTE SA CHECKPOINT SA BAYAN NG SAN LEONARDO

Arestado ang apat na tinaguriang HVIs or High-Value Individuals ng Nueva Ecija Provincial Police Office na nakumpiskahan ng isang milyong pisong halaga ng illegal na droga sa bayan ng Jaen sa magkahiwalay na insidente noong January 29, 2025.

Kabilang umano sa mga nadakip ang 53-year-old big time drug trader mula sa Baranay Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija.

Base sa report ni PCOL Ferdinand Germino, Provincial Director, NEPPO, 7:55 PM, nang parahin ng mga element ng Jaen Police Station sa COMELEC checkpoint sa Barangay Dampulan, Jaen, Nueva ang silver/gold Honda Click motorcycle na minamaneho ng suspek.

Habang ipiniprisenta umano nito ang mga dokumento ng motor ay namataan ng mga awtoridad sa suspek ang handle ng isang caliber .45 pistol na kargado ng pitong bala, at sa loob naman ng belt bag nito ay ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 115 grams, at nagkakahalaga ng Php 782,000.00, kasama ang iba’t ibang ID, lighter, isang digital weighing scale, at Php 290.00 cash na pera.

Una rito bandang 6:20 PM, ang parehong unit ay nagsagawa ng Anti-illegal Drug Buy-bust Operation sa Barangay Sapang, Jaen, Nueva Ecija, kung saan nahuli ang tatlo pang drug High Value Individuals na nakuhanan umano ng 8.5 grams ng pinagsususpetsahang shabu, na may halagang Php 57,800.00.

Ang apat na suspek ay nahaharap sa kasong Violation of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2003), at Violation of the Omnibus Election Code of the Philippines.