PRESYO NG GASOLINA, UMAKYAT; DIESEL, KEROSENE, BUMAGSAK

Pagkatapos ng rollback noong nakaraang linggo, tumaas naman ngayong linggo ang presyo ng gasolina, habang ang halaga ng diesel at kerosene ay magkakaroon ng karagdagang pagbaba.

Simula Pebrero 4, ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas ng presyo ng P0.70 kada litro ng gasolina, samantalang sa kerosene ay bababa umano ng P0.90 bawat litro at sa diesel magbabawas ng P1.15 kada litro.

Inanunsyo ng Shell Pilipinas, CleanFuel, Seaoil, Caltex at PetroGazz ang mga pagbabago sa magkakahiwalay na advisories noong Lunes, Pebrero 3.

Minarkahan nito ang pangalawang magkakasunod na linggo ng pagbaba ng presyo para sa diesel at kerosene, na iniugnay ng Department of Energy (DOE) sa pagtaas ng mga projection ng produksyon ng krudo sa gitna ng mga pro-drill policy ng United States.

Matatandaan na noong Enero 28, ibinaba ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina sa P0.80 kada litro, P0.20 kada litro para sa diesel, at P0.50 kada litro para sa kerosene, kasunod ng matinding pagtaas ng P2 hanggang P3 kada litro sa ikatlong linggo ng 2025.

Naganap ang mga alalahanin sa suplay na nagtulak sa pagtaas ng langis pagkatapos magpataw ng mga parusa ng US sa sektor ng enerhiya ng Russia.