PAGBABALIK SA PAGLILINGKOD, DAAN SA MULING PAGSASAMA-SAMA NG PAMILYA NG MAG-ASAWANG PASTOR
Sa unang Sabado ng Pebrero, ibinahagi ng mag-asawang Pastor Don at Pastora Zel Abo-abo ang kanilang kwento ng pagsubok at muling paglilingkod sa programang Count Your Blessings nina Congresswoman Cherry Umali at Dra. Kit De Guzman.
Ayon kay Pastor Don, dahil sa pangangailangang pinansyal, napilitan siya na huminto sa pagiging pastor at nagtrabaho bilang tricycle driver sa Surigao City, habang naiwan ang kanyang misis at tatlong anak sa Cabadbaran City kung saan nakatira ang kanyang mga magulang.
Ngunit nang namasada na si Pastor, hindi niya namalayan na may ginagawa na pala Ang Panginoon upang muli siyang bumalik sa paglilingkod.
Aniya, matapos ang gabing iyon, lingid sa kanyang kaalaman na lalo na pala silang nagkalayo ng kanyang pamilya nang lumayas sa kanilang bahay at lumipat sila Pastora Zel sa Socorro, Surigao del Norte.
Kwento ni Pastora Zel, sa kabila ng hirap ng kanyang pag-aalaga sa tatlo nilang anak, ay hindi siya nakalimot na manalangin para sa kanilang pamilya lalo na sa kaligtasan ng kanyang asawa na nasa malayong lugar.
Dahil sa pagtitipid, minsan sa isang taon lang kung umuwi si Pastor Don, ngunit kalaunan ay napilitan siyang umuwi sa Socorro dahil sa napag-usapan nilang mag-asawa.
Isang Linggo habang nagsisimba, nag-boluntaryo umano si Pastor Don na tumugtog ng gitara, at dito siya muling inalok na maglingkod bilang Pastor sa isang bagong ministry na itatayo sa Socorro.
Napagtanto ni Pastor Don na ito ang tugon Ng Diyos sa kanyang katanungan noon habang namamasada, dahil sa kasalukuyan, silang mag-asawa ay muling naglilingkod nang magkasama, at nagpapasalamat sa muling pagbubuo ng kanilang pamilya na ngayo’y sama sama nang nananampalataya Sa Panginoon.

