BENEPISYO NG AVOCADO, SA KATAWAN NG TAO

Hello mga Mars, It’s me again Star Rodriguez – Piccio for Beauty, Health at iba pang tips. Ating pag-usapan ngayon ang mga Benepisyong naidudulot ng Avocado sa ating katawan.

Alam niyo ba na ang AVOCADO ay isa sa healthiest natural ingredients ayon sa isang website na healthline na maaaring gamitin upang mapanatiling hydrated ang balat? Kung hindi pa, samahan ninyo akong alamin.

Kilala ang avocado bilang prutas, ngunit ang hindi alam ng karamihan marami itong benepisyo sa ating katawan katulad na lamang ng pagbaba ng cholesterol, nag-reregulate ng blood pressure, nilalabanan ang obesity, at pinoprotektahan ang katawan laban sa stroke at heart disease. Maaari rin itong maging natural skin care upang pangalagaan ang balat.

Ayon sa healthline, narito ang iba pang benepisyo ng avocado:

Una, napapalambot at nakakapag-hydrate ng dry na balat dahil
ang fatty acids na nagmumula rito ay madaling nakakapasok sa loob ng balat upang maiwasan ang pagkawala ng moisture. Sa pamamagitan din nang pagkain nito, nananatiling glow ang balat.

Pangalawa, maaari rin gamitin ang avocado sa dry at damaged hair, pinapanumbalik nito ang kagandahan at kalusugan ng ating buhok. Ang healthy fats, vitamins at protein ng avocado ay nakaka-moisturize ng dry hair shaft at pinapasigla nito ang pagtubo ng buhok. Nakakatulong din ito sa sa pag-alis ng frizzy at unruly hair.

Pangatlo, dahil sa dami ng anti-oxidants at potent anti-aging properties ng avocado napapanumbalik nito ang lambot ng balat mula sa katandaan. Inaayos nito ang production ng collagen na nakakapag-panatili ng elastik at katatagan ng balat. Pinabibilis din nito ang page-generate ng new cells at pagpo-promote ng sirkulasyon sa katawan.

Pang-apat, nakatutulong din ang avocado sa pagbubura o pag-aalis ng scars and spots dulot ng acne, pimples, eczema, minor burns, cuts o scrapes. Ang vitamin E o Omega-3 fatty acids ng avocado ay nakatutulong sa pagpapanumbalik ng damaged tissue at ini-improve ang appearance ng peklat.

Kaya ano pang hinihintay mo, kumain ka na nang Avocado!