BABALA! SENSITIBONG BALITA:
NANGUNGUHA NG BATA SA GAPAN CITY, TOTOO BA?

Naglabas ng babala sa publiko ang Gapan City Police sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at pinabulaanan ang kumakalat na maling balita na may tao na nanguha ng bata at naabutan sa patubig noong Pebrero 18, 2025 sa Brgy. Mangino, Gapan City, Nueva Ecija.

Agad umanong rumesponde ang Gapan police matapos matanggap ang naturang report, at base sa resulta ng imbestigasyon ay hindi totoo na hinawakan nito ang bata.

Inilahad din sa post na mabilis ding dumating ang mga kamag-anak ng nasabing tao kasama ang mga opisyal ng barangay ng Brgy. San Josef, Penaranda, Nueva Ecija sa himpilan ng pulisya ng Gapan City at humingi umano ng paumahin sa kung ano mang nagawa ng kanilang kaanak at sinabing may sakit lamang ito sa pag-iisip.

Kaya walang katotohanan at itinuturing na fake news ang nasabing impormasyon.