ANG BOTO MO AY BOSES MO
Sa nalalapit na halalan, importante ang boses ng mga kabataan.
Bawat boto ay may kapangyarihan!
Kayo ang susi sa pagbabago kaya’t isipin ang mga isyung mahalaga para sa inyo.
Iwasan ang walang maayos na plataporma.
Pag may bad records, nako! Byebye na.
Piliin ang tama at maging matalino.
Sa pagpili ng susunod na lider, maging pihikan at alisto.
Patunayan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Wag hayaang wala kang boses sa dadating na halalan.
Magsama-sama sa pag-luklok ng karapatdapat.
Maging kabataang botante na may pakealam sa kinabukasan.
Ang boto mo ay boses mo. Kaya’t sa dadating na eleksyon, wag sayangin ang pagkakataon na makiisa sa halalan at maiparinig ang boses ng kabataan.

