PAGTAAS NG INFLATION SA NUEVA ECIJA NOONG ENERO 2025, UMABOT SA 2.5%
Naitala ang 2.5% na inflation rate sa Nueva Ecija noong Enero 2025, mas mataas kumpara sa 2.1% noong Disyembre 2024, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Nueva Ecija.
Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 2.5% inflation at 33.8% na ambag sa kabuuang inflation.
Pinakamalaking nakaapekto rito ang mataas na presyo ng gulay tulad ng kamatis na umabot sa 41.5% ang inflation, karne ng baboy na may 6.1%, at isda tulad ng galunggong na may 3.8% inflation.
Sumunod na dahilan ang Housing, Water, Electricity, Gas, at Iba Pang Fuels na may 4.8% inflation at 38.2% share.
Pinakamalaki ang itinaas ng presyo ng kuryente na may 13.5% inflation, habang ang renta sa bahay ay tumaas ng 2.3%, at LPG ng 5.9%.
Pangatlo sa may pinakamalaking ambag ang Health sector na nagtala ng 4.1% inflation at 5.6% share.
Kasama rito ang pagtaas sa presyo ng vitamins at minerals na may 5.9% inflation, at ang private dental preventive services na may 41.0% inflation.
Sa overall inflation report nitong Enero 2025, ang limang pangunahing commodities na may pinakamalaking ambag sa inflation sa buong lalawigan ay ang kamatis na may 418.5% inflation; kuryente na may 13.5%; karne ng baboy na may 8.2%; renta sa bahay na may 2.3%; at freshwater fish na may 6.8% inflation.
Sa labing-tatlong commodity groups, pito ang nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng inflation noong Enero 2025. Kabilang dito ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 2.5% kumpara sa 1.9% noong Disyembre 2024; Alcoholic Beverages and Tobacco na may 2.2% kumpara sa 1.4%; Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels na may 4.8% kumpara sa 4.7%; Furnishing, Household Equipment and Routine Household Maintenance na may 3.3% kumpara sa 3.2%; Health na may 4.1% kumpara sa 4.0%; Transport na may -0.9% kumpara sa -2.1%; at Recreation, Sports and Culture na may 3.1% kumpara sa 1.9% noong Disyembre 2024.
Samantala, walang naitalang paggalaw ng inflation sa Information and Communication.
Gayundin ang Restaurants and Accommodation Services at Financial Services.
Nagtala naman ng mas mabagal na pagtaas ng inflation ang commodity group ng Personal Care, and Miscellaneous goods and services na may 3.0% kumpara sa 3.3% noong Disyembre 2024.
Habang nanatili ang antas ng Education Services na may 4.9% inflation mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025.
Ayon kay Editha U. Briguela, Statistical Specialist II ng PSA Nueva Ecija, pagdating naman sa presyo ng bigas ay posibleng bumaba ang presyo nito depende sa produksyon ng palay sa lalawigan, na kanilang sinusukat sa quarterly Palay and Corn Stock Survey.
Patuloy din umano nilang minomonitor ang mga presyo ng bilihin sa merkado sa pamamagitan ng kanilang monthly survey na isinasagawa dalawang beses sa isang buwan.

