COMELEC NAGTAKDA NG CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA BARANGAY AT SK ELECTIONS 2025, TAUMBAYAN MAY HATING REAKSYON
Inilabas na ng COMELEC ang Calendar of Activities para sa darating na halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials na nakatakda sa December 1, 2025. Ayon sa inilabas na resolusyon, nakatakda ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) mula October 1 hanggang October 7, 2025. Ang campaign period naman ay magsisimula sa October 8 at magtatapos sa October 30, 2025. Ipatutupad ang liquor ban at election silence sa November 30, 2025, isang araw bago ang halalan. Gaganapin ang mismong botohan sa December 1, 2025, kasunod nito ang canvassing ng mga boto at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.
Dahil sa anunsyo noong Abril 25, 2025, sa isang Facebook post ng DILG Bataan, nagkaroon ng hatiang reaksyon ang taumbayan. May mga natuwa sa balita, at ayon sa ilang mga nagkomento, nararapat lamang na matuloy ang eleksyon upang mapalitan ang mga opisyal sa barangay na umano’y hindi nagseserbisyo nang maayos. Ilan sa mga pahayag ay:
“Dapat talaga matuloy yan, para mapalitan ang wala naman nagagawa na mga nakaupo ngayon sa mga Barangay.”
May nagsasabi rin naman na “Dapat nang matuloy para po fresh and new mandate, kung talagang deserving sila to be re-elected. Goodluck”
Samantala, may ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya. Ayon sa kanila, umaasa silang maaantala pa ang botohan. May ilan na nagsabing:
“Di naman matutuloy yan at maraming haharang.”
May nagkomento rin na malabong matuloy ang eleksyon sa Disyembre dahil kasabay nito ang isang pambansang halalan na nakatakda sa Mayo ngayong taon.
Sa kabila ng magkakaibang pananaw ng publiko, sama samang hiling ng taumbayan na matuloy ang nasabing eleksyon at nananatiling nakatutok ang lahat sa magiging galaw ng mga awtoridad hinggil sa nalalapit na Barangay at SK elections.

