BABALA! SENSITIBONG BALITA: Buy-bust operation

Arestado ang isang high value individual sa isinagawang buy-bust operation sa Lungsod ng Balanga, Bataan noong December 12, 2025.

Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balanga City police ang buy-bust sa Barangay Tuyo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si “Jonnel.”

Nakumpiska umano mula sa kanya ang 165 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,122,000, kasama ang iba pang drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Pinuri ni PRO3 (Police Regional Office 3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr. ang mga operatiba dahil sa kanilang husay at propesyonalismo.

Binigyang-diin niya na ang matagumpay na operasyon ay alinsunod sa mga direktiba ng pambansang pulisya.