GINANG SA PALAYAN CITY, MAPALAD NA NAKATANGGAP NG 100 FRUITING BAGS NG KABUTE

Mapalad na nakatanggap ang isang ginang na mula sa Brgy. Santolan Palayan City, Nueva Ecija ng isang daang fruit bags ng kabute mula sa “Mushroom Project” ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang Mushroom Project ay bahagi ng Malasakit Program ng kapitolyo na inilunsad noong 2021 sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Gov. Anthony Umali. Layunin nito na mabigyan ng kabuhayan ang mga pamilya na naapektuhan ng kahirapan.

Ayon kay Maricel Agustin, malaking bagay ang pangkabuhayang handog ng kapitolyo bilang pantustos sa kanilang pang ulam ng libre araw-araw at maging ang kanilang buong pamilya, mula sa kanyang magulang, at mga kapatid na nakatira sa iisang compound ay nakakabahagi na rin sa mga bunga nito araw araw na kanilang pinaghahatian.

Masaya aniya ang kanyang pamilya sa iba’t ibang putahe na pwede nilang iluto na nagugustuhan ng kanyang mga anak at marami pa silang nais na malaman kung ano pa ang pwedeng luto sa mushroom.

Kaya hiling ni Nerissa na sana’y magpatuloy ang mga programa ng kapitolyo upang marami pang matulungan na kanyang mga kabarangay sa Lungsod ng Palayan.