PRESYO NG KAMATIS, BAGSAK; IBA PANG GULAY TUMAAS ANG HALAGA

Bahagyang bumaba ang presyo ng kamatis nitong mga nakakaraang araw mula sa presyo na Php6.00 hanggang Php7.00 ay bumaba ito sa Php5.00 na lang ang per kilo.

Habang, ang presyuhan ng kalamansi, na dating Php2,100 kada/red bag ay bumaba naman ng Php100.00.

Ang patola na dating Php23.00 ngayon ay Php25.00 na ang per kilo.

Umangat naman ang presyo ng sigarilyas mula sa dating presyo na Php30.00 ngayon ay Php45.00 hanggang Php50.00 pesos na ang per kilo.

Tumaas din ang sitaw na dating Php50.00 per kilo, ngayon ay lumalaro ito sa Php60.00 hanggang Php80.00 ang per kilo, depende sa itsura, Php15.00 ang per kilo ng hilaw na papaya.

Ang sibuyas na pula, mula sa presyo na Php55.00 ay umangat naman ng katiting sa presyong Php56.00 ang per kilo.

Ang talong na dating Php35.00 ay umakyat na ang presyo sa Php50.00 kada kilo.

Habang, bagsak naman ngayon ang presyo ng upo mula sa presyong Php12.00 ngayon ay Php5.00 na lang ang kada piraso.

Ayon kay Noy, sabay sabay kasi ang mga nag ani ng kamatis kaya dagsa ang dating nito sa pamilihan.