LIGTAS AT MAS MABILS NA BIYAHE, HATID NG PROYEKTONG PANG-TRANSPORTASYON NG GOBYERNO
Makikinabang ang mga commuter sa pagpapatuloy na pagpapagawa ng mga proyekto ng gobyerno sa imprastraktura ng transportasyon na tutugon sa kakulangan ng public transport at pagsisikip ng trapiko partikular na sa Metro Manila at karatig na probinsiya.
Sa isang press briefing sa Malacanang, binanggit ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro na ang ilang transport infrastructure projects ay magpapahusay ng koneksyon, kaligtasan ng mga pasahero at magpapasigla sa paglago ng ekonomiya.
Katulad na lamang ng bagong bukas na SM North EDSA Concourse at Busway Station sa Lungsod Quezon na magbibigay ng ligtas, mabilis, maaasahan, at abot-kayang biyahe sa mga commuter.
Bukod sa bagong disenyo ng SM North EDSA Concourse, siniguro ng Department of Transportation na ang istasyon ay may mga elevator at daanan para sa mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWDs), at mga buntis.
Binanggit din ni Castro ang iba pang mga proyekto ng gobyerno ng pribadong sektor gaya ng Metro Manila Subway Project at North-South Commuter Railway Project na itinayo sa pakikipagtulungan ng DOTr at SM Prime Holdings ay ang Ortigas Bus Station at ASEANA Bus Station.
Inihanda na rin ng gobyerno ang Cebu Bus Transit at ang Modernisasyon ng Pampasaherong Transportasyon sa Davao.
Inutusan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si DOTr Secretary Vince Dizon na pabilisin ang mga pangunahing proyekto sa imprastruktura.
Sinabi ng Pangulo na ang imprastraktura ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga kalsada at riles ng tren kundi pati na rin sa pagbibigay ng ligtas, maaasahan, at handa sa hinaharap ng bawat Filipino.

