PARAAN PARA IWAS BLOATED
Magandang araw mga mars! Ako si Star Rodriguez—Piccio at samahan niyo ako sa panibagong episode ng “Beauty, Health at iba pang Tips”!
Ibinahagi ng Cleveland Clinic Foundation ang pagtutunaw ng pagkain at pabago-bagong hormone ay isang malaking isyu para sa karamihan, nagdudulot kasi ito ng cyclical bloating. Ang sanhi ng pagiging bloated ay ang tinatawag na ‘excess intestinal gas’ o ang gas sa bituka. Ang iyong menstrual cycle ay isa ring karaniwang sanhi ng bloating.
10% – 25% ng mga malulusog na tao ang nakararanas ng bloating. Ang bloating ay isang kondisyon ng pamamaga o paglobo ng tiyan pagkatapos kumain. 10% ang nagsasabing regular nilang nararanasan ito. Samantalang 75% naman ng mga kababaihan ang nakararanas ng bloating bago at habang may buwanang dalaw.
Kapag mas maraming kinain na mayaman sa carbohydrates, mas matagal ‘yong proseso ng pagtutunaw. Isa ‘yon sa dahilan ng pagiging bloated. Bukod dito, isang factor din ang sobrang bilis na pagkain.
Para iwas bloated, narito ang mga dapat tandaan ayon sa isang Filipino content creator na si Dr. Winston Kilimanguru, kilala bilang Doc Kilimanguru:
Una, huwag humiga agad pagkatapos kumain.
Practice walking for 30 minutes after eating para mabilis bumaba ‘yong kinain mo. Nakatutulong din ito para mas mabilis matunaw ang mga carbohydrates sa ating katawa
Pangalawa, eat slower.
Huwag kang nagmamadali. Kapag nagmamadaling kumain, mas maraming hangin na nalulunok, mas maraming hangin ang pumapasok sa tiyan natin.
Alam nating mayroong mga busy at talaga namang kulang na ang oras para kumain. Sabi nga ni Doc Kilimanguru, “if you can’t eat slow then you eat light.” Kung alam mong kukulangin sa oras ang pagkain mo, kainin mo na lang muna kalahati, tapos kainin mo na lang ulit ‘yong isa pang kalahati para sa meryenda.
Panghuli, drink water after eating.
Pero hindi isang diretsong isang baso ang uubusin, drink in sips! Dahan-dahan lang, to prevent bloating. Kung iinom nang isang biglaan, mas malaki ang posibilidad na marami ring hangin ang papasok sa iyong tiyan.
Ang gas ay isang ‘natural byproduct’ ng panunaw ng mga kinakain natin, ngunit ang sobra-sobrang intestinal gas ay nagreresulta ng pagkawala ng panunaw kaya nagiging “bloated”. Ang ‘intestinal gas’ ay nagmumula sa ‘gut bacteria’ o ang bacteria sa bituka na siyang nagtutunaw ng carbohydrates. Ang prosesong ito ay tinatawag na fermentation.
Kaya hinay-hinay lang sa pagkain, gano’n din sa tubig para iwas bloated!

