PRODUKTONG PETROLYO, MULING SUMIPA ANG PRESYO!

Muling sumipa ang presyo ng produktong petrolyo matapos ang tatlong sunod na linggo ng rollback nitong Martes, March 25, 2025.

Kabilang ang mga kompanya ng Shell, Petrofil, at Petron Gasoline Station sa mga kumpirmadong nagdagdag presyo sa Gasolina ng Php1.10 kada litro. Habang, ang Diesel at Kerosene ay umangat naman ang presyo sa 40 centavos ang kada litro.

Dito sa Cabanatuan City sa Shell Gasoline Station, ang presyo kada litro ng Fuel Save Diesel ay Php56.75 ; V-Power Diesel Php64.60 : Fuel Save Gasoline Php59.05 ; at
V-Power Gasoline Php62.30

Sa Petrofil Gasoline Station, ang presyo ng kada litro ng Diesel ay Php50.50 ; Php53.25 naman sa Premium ; Php52.95 naman sa Regular ; at Php88.88 sa Kerosene.

Sa Petron Gasoline Station, ang presyo ng Diesel kada litro ay nasa Php52.00 ; Php54.00 naman ang Turbo Diesel; Php54.50 sa XTRA Advance ; at Php55.50 sa presyo naman ng XCS.