MGA KANDIDATO, KABILANG ANG ISANG KONGRESISTA NG NUEVA ECIJA PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC DAHIL SA UMANO’Y VOTE BUYING

Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections ang ilang kandidato’ng nasangkot sa umano’y Vote Buying at iba pang mga isyu sa mga nailabas na Show Cause Order.

Batay sa mga naulat ay umaabot na sa mahigit isang daan at limampu ang kanilang nailabas dahil sa paglabag sa mga patakaran ng halalan.

Kasama sa nabanggit ng Comelec’s Committee on Kontra Bigay ang tumatakbong senador na si Camille Villar, batay sa kanyang pagbibigay raw ng cash prize sa isang event ng Barangay Buhay na Tubig sa lungsod ng Cavite. Ngunit, tinanggi naman ito ni Villar aniya ang event na tinutukoy ay nangyari pa bago ang kampanyahan.

Nasama rin ang pangalan ni Isko Moreno na tumatakbong alkalde sa lungsod ng Maynila. Ayon sa dokumento ay nag-abot daw siya ng mga tatlong libong piso para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Kasabay na nabanggit ang pangalan ng kanyang kalaban na si Samuel Versoza dahil sa kanyang paghahandog sa lungsod gamit ang kanyang intial na S.V.

Gayunding nalista si Nueva Ecija 4th district representative, Emerson Pascual hinggil sa nakunang bidyo ng kanyang talumpati na nanghihingi ng suporta sa eleksyon na may pangakong magbibigay ng pera sa dalawang barangay at tulong pinansiyal panggamot para sa mga taga-lungsod ng Gapan.

Ayon kay COMELEC Chairman, George Erwin Garcia na mahalaga raw ang Show Cause Order para maipaliwanag ng mga kandidato ang mga alegasyong inihain laban sakanila.

Binibigyan lamang ang mga kandidato ng tatlong araw para sagutin ang Show Cause order.