E-LIBRARY NG PUTLOD SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL, MAKAKATULONG SA PAGSABAY NG MGA MAG-AARAL SA MAKABAGONG EDUKASYON
Pagsasaka ang isa sa pangunahing pinagkakitaan ng komunidad sa bayan ng Jaen kaya ang ilan sa mga mag-aaral ay salat sa kakayahang makabili ng mga gadgets o laptop na magagamit sa kanilang research work.
Kaya para sa kanila ay mapalad sila dahil pinagkalooban sila ng e-library dahil ito’y makatutulong na mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng digital at teknolohiya.
Malaking tulong umano sa mga mag-aaral maluwag at air-conditioned na e-library dahil magbibigay ito ng mas maraming oportunidad sa mga mag-aaral na magsaliksik, makasabay sa modernong panahon at teknolohiya, at pagsulong ng makabagong edukasyon.
Bilang pagsabay sa modernong panahon at teknolohiya, at pagsulong ng makabagong edukasyon ay inilunsad ng Putlod San Jose National High School ang e-library learning portal katuwang ang Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony na ipinagpapasalamat ng mga mag-aaral nito.

