BAGONG AMBULANSYA NG BRGY. STA. TERESITA, STA. ROSA, RUMERESPONDE NA!
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang ng Sta. Teresita sa bayan ng Sta. Rosa sa bagong ambulansya mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Oyie Umali.
Ayon kay Kapitana Loida Evangelista, mabilis ang pagtugon ng kapitolyo sa kanilang kahilingan.
Nang marinig niya raw na nagpapamigay ng mga ambulansya si Gov. Umali sa mga barangay, agaran siyang humingi at agaran din namang tinugunan ng gobernador.
“Sa rami nga ng nagkakaroon ng mga sakit at mga ano dito, eh napilitan kami manghingi so binigyan naman kami kaagad-agad.”
Paliwanag ni Kapitana, kinailangan nila ng panibagong ambulansya dahil mabagal na raw ang dati nilang ginagamit na bigay din naman ni Gov. Umali.
Malaking tulong ito dahil malayo ang pinakamalapit na pagamutan sa kanyang nasasakupan.
Segunda ni Kagawad Marlon Domingo na isa ring nurse at namumuno sa health committee ng barangay, may magagamit na sila kapag may mga aksidente sa kanilang lugar.
Dahil kumpleto ang mga kagamitan ng ambulansya, makaka aksyon ang mga opisyal ng barangay sa mga emergency cases.

