MALALIM NA PAGTINGIN AT PAGKILALA SA ATING KASAYSAYAN, HIGHLIGHTS SA NATIONAL HERITAGE MONTH SYMPOSIUM
Nagsagawa ng National Heritage Month Symposium ang Nueva Ecija Provincial Tourism Office na ginanap sa Provincial Auditorium, Old Capitol Building, Cabanatuan City na may temang, “Preserving Legacies, Building Futures, Empowering Communities Through Heritage.”
Ayon kay Jan Mara C. San Pedro, acting Provincial Tourism Officer, tuwing buwan aniya ng Mayo ay isini-celebrate ang National Heritage Month. Highlight sa symposium at research forum ang mas malawak at mas malalim na pagtingin at pagkilala sa ating kasaysayan.
Layunin aniya ng selebrasyong ito, ang pagkilala natin sa ating mga pamana na hindi lamang nakikita na structures, monuments, historical, artistic, architectural, kundi ang mga intangible, gaya ng mga sayaw, mga kwento, mga drama, mga awitin na nagbibigay buhay sa ating kultura at kasaysayan.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Lino L. Dizon, Resource Speaker, Nueva Ecija Heritage Lecture, kung ano ang nais iparating o ipaunawa tungkol sa salitang “heritage” at kung bakit natin ito dapat na i-honor.
Paraan aniya ito ng gobyerno bilang paalala sa mga tao.
Paliwanag pa ni Dr. Dizon, masasabi na isang legacy, halimbawa ang isang eskwelahan, kapag ito ay nabigyan ng NHCP Marker o marker mula sa National Historical Commission of the Philippines. Dumaan sa malalim na proseso, nagkaroon ng deliberation, at complete worksheet.
Isa si Nelson Gonzalez, tourism officer ng LGU Nampicuan, Nueva Ecija na dumalo sa symposium.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si San Pedro kay Governor Aurelio “Oyie” M. Umali at Vice Governor, Doc. Anthony M. Umali sa pagbibigay nila ng buong suporta.

