Viral sa tiktok ang video ni Pat Cruz na mayroon ng 7.7 million views kung saan makikita ang kanyang groom na humirit ng huling sulyap sa larawan ng kanyang crush at iniidolong Kpop superstar ng Twice na si Mina bago mag “I do” sa kanilang kasal.
Makikita sa video ang nakatutuwang reaksyon ng groom at stan na si Paul Vispo nang bigyan siya ni Pat ng photocard ni Mina.
Para daw mabilis ang “I Do” ni Paul ay titingnan niya ang larawan ng kanyang crush.
Habang naglalakad na ang bride papuntang altar ay muling sumulyap si Paul sa larawan ni Mina na hinugot nito sa kanyang bulsa.
Tila nagpapaalam si Paul kay Mina na ikakasal na ito at nagsilbing huling sulyap niya ito sa iniidolo bilang single.
Ipa-prank daw sana ni Pat si Paul at bibigyan ng kahon ng tablet na walang laman at isusunod din naman ang tablet pagkatapos.
Pero dahil sa reaksyon ni Paul ay mukhang mas natuwa pa raw ito sa photocard ni Mina kesa sa tablet.
Marami naman sa netizen ang naaliw sa video at napasabi ng “si Mina lang sakalam”.

