BABALA! SENSITIBONG BALITA!
Umabot sa Php918,000.00 ang hinihinalang shabu na nakumpiska umano ng kapulisan sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operations sa Angeles City, Pampanga noong January 23.
Base sa report ng Police Regional Office 3, kinilala ang suspek na sina alias “RAYDEL” na nasabat sa operation sa Brgy. Pulungbulu kung saan nakuha sa kanya ng mga pulis ang tinatayang 75 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php510,000.00.
Habang sa Barangay Lourdes North West naman umano naaresto sina alias “KEN” and alias “TISAY” na nahulihan ng mahigit kumulang 60 grams ng Shabu na may presyong Php408,000.00.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong violation of Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

