Nagsagawa ng Medical Mission ang Provincial Health office at lahat ng PGNE Hospital sa lalawigan ng Nueva Ecija sa mismong kaarawan ni Governor Aurelio Oyie Umali noong nakaraang Enero 25.

Ito ay Handog Pasasalamat ng Gobernador para sa lahat ng mga Novo Ecijano.

Pinangunahan ni Doc Jong Abeleda Jr. ang munting gift giving sa mga pasyente at ang isinagawang Hepa B testing, at Blood Typing na tradisyon nang ibinibigay tuwing kaarawan ni Gov. Oyie dito sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital.

Nagkaroon din ng Medical Mission sa PGNE Hospitals, gaya na lamang sa Provincial Health Office na nagkaroon ng blood donation activity; Libreng Minor Surgical Mission sa Gapan District Hospital; Medical and Dental Mission with Free Laboratory naman ang handog ng San Jose City, San Antonio, Sto. Domingo, at Guimba District Hospital; at sa Gabaldon Medicare and Community Hospital.

Sa Bongabon District Hospital naman maliban sa Medical and Dental mission ay mayroon din silang libreng haircut, manicure, pedicure at masahe.

Sa Gen.Tinio Medicare and Community hospital ay libreng Xray naman, dental check-up at medicines.

Layunin ng PHO na maging malusog at maging malakas ang pangangatawan ng mga Novo Ecijano.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nabigyan ng serbisyong medical sa malasakit at pagmamahal ng gobernador.