BABALA! SENSITIBONG BALITA:
ILLEGAL RECRUITERS NG MGA OFW, NAGTAGO SIMULA 2021, NADAKIP NUEVA ECIJA POLICE
Arestado ang apat na umano’y mga illegal recruiter ng OFW sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal noong June 8, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina EMELITA VINUYA y Ruta, 35 years old, single; MARK JOEY PINEDA y Perez, trentay dos anyos, binata; PABLO Sr. PINEDA y Elbambuena, 54 years old, may asawa, at MARILYN PINEDA y Perez, limampong taong gulang, may asawa, at lahat ay residente ng Barangay San Jose, Jaen, Nueva Ecija.
Base sa report ng NEPPO, naging matagumpay ang operation sa pamamagitan ng koordinasyon ng Jaen Police sa Rizal Provincial Police Office kaya nahuli ang mga suspek na sangkot sa illegal recruitment ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang kanilang modus operandi, pinagbabayad ng cash ang kanilang mga biktima kapalit ng pangakong magkakatrabaho sa ibang bansa, ngunit bigla na lamang silang mawawala at hindi matutupad ang kasunduan.
Simula pa umano noong August 2021 nagtatago ang mga ito dahil wanted para sa kasong Syndicated Estafa, na walang piyansa.

