SAN JOSE CITY GENERAL HOSPITAL, RED CROSS, KNIGHTS OF COLUMBUS, NAKIISA SA SELEBRASYON NG WORLD BLOOD DONOR DAY

Nagsagawa ng bloodletting activity ang San Jose City General Hospital sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija kasama ang Philippine Red Cross – Nueva Ecija Chapter kaugnay ng selebrasyon ng World Blood Donor Day 2025.

Ang aktibidad na ito ay ginanap sa Waltermart, San Jose City, Nueva Ecija noong Hulyo 9, 2025, at tumagal ng anim na oras, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ayon sa mga opisyal, ang World Blood Donor Day ay may temang “Give blood, give hope: together we save lives”, na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagdodonate ng dugo at kung paano ito makakatulong sa mga nangangailangan.

Target ng aktibidad na makalikom ng hindi bababa sa 50 o hindi kukulangin sa 100 bags ng dugo, na magagamit ng mga Novo Ecijanos.

Kabilang sa mga grupo na tumugon sa panawagan ng Red Cross ay ang Knights of Columbus, sa pangunguna ni Efren Roberto Salaño, na nagsabi na masarap sa pakiramdam na nakakatulong sa kapwa at nakapagdudugtong ng buhay sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo.