BABALA! SENSITIBONG BALITA:
LASING NA MAGPINSAN, ARESTADO DAHIL SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL SA GUIMBA
Nakatanggap ng isang tawag mula sa kapitan ng Barangay Casongsong ang Guimba Municipal Police Station (MPS) hinggil sa insidente ng pagpapaputok ng baril sa Sitio Ibayo.
Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar at naaresto ang dalawang suspek na hindi pinangalanan; ang una ay 29-year-old na lalaki, residente ng Brgy. Ablang Sapang, Moncada, Tarlac, at ang ikalawang suspek ay tatlumpong-taong-gulang na lalaki, residente ng Brgy. Narvacan II, Guimba.
Base sa inisyal na imbestigasyon, July 13, 2025, bandang 1:10 ng madaling araw, nag-iinuman ang mga suspek sa Sitio Ibayo at dahil sa kanilang kalasingan, nagpaputok ang may-ari ng baril at saka niya ito ipinasa sa kanyang pinsan, na sumunod na nagpaputok.
Narekober umano mula sa mga suspek ang isang CZ P-10 C, 9mm caliber pistol at dalawang magasin na may lamang bala. Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa istasyon ng pulisya ng Guimba.

