Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang galing ng Pinoy sa ginanap na ASEAN-Australia Special Summit na kaya na aniyang makipagsabayan sa mga bansang may advance economies.
Ito ay kaugnay ng pagpapalawak ng Victoria International Container Terminal sa Melbourne, Victoria, Australia.
Ang VICT na subsidiary ng Manila-based International Container Terminal Services Incorporated sa Australia ang kauna-unahang fully automated container terminal sa nasabing bansa, na pag- aari ng negosyanteng Pinoy na si Enrique Razon.
Sa kaniyang talumpati, binanggit ng pangulo ang global success ng nasabing container terminal sa paggamit ng modern technology sa operasyon nito.
Pinapakita aniya ng expansion na hindi nagpapahuli ang mga kumpanyang Pinoy pagdating sa larangan ng advanced economies na may malaking kontribusyon sa maayos na daily flow of trade and commerce sa buong mundo.
Inihayag din ng Pangulo na ang kompanya ay sumusuporta rin sa mga Filipino seafarers na bumubuo ng malaking proporsyon ng mga marino na dumadaan sa mga pasilidad nito, pati na rin sa higit 95,000 na Filipino community sa Victoria, Australia.

