BABALA! SENSITIBONG BALITA:
SNATCHER, NASABAT SA CABANATUAN CITY

Arestado sa isinagawang hot-pursuit operation ng mga awtoridad ang isang tricycle driver matapos umanong agawain ang gintong pulseras ng may-ari ng isang tindahan sa Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City noong umaga ng August 5, 2025.

Base sa report ng pulisya, nagpanggap na kostumer ang suspek na isang 35 years old na lalaking tricycle driver sa tindahan ng biktimang isang 52-anyos na babae, kaya nahablot nito ang 18-karat na gintong pulseras.

Mabilis na rumesponde ang mga mobile patroller ng Sector 2 ng Cabanatuan Police Station, at naharang ang suspek sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop pa rin ng Brgy. Daan Sarile.