MGA TRADER, SUMUNOD SA MAS MATAAS NA PRESYO NG KAPITOLYO SA PAGBILI NG PALAY AYON SA ISANG MAGSASAKA

Matapos ang matinding pagbaba ng presyo ng palay, agad kumilos ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Aurelio “Oyie” M. Umali upang tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Provincial Food Council (PFC).

Layunin nitong bumili ng sariwang aning palay sa ilalim ng Palay Price Support Program sa mas mataas na presyo kumpara sa alok ng mga trader na ₱9.00 kada kilo.

Isa pa sa mga benepisyaryo ng programa ay si Frederick Aaron Martin mula sa Tabacao, Talavera. Ayon sa kanya, sa kabila ng kanyang pagsisikap sa 1.5 ektaryang lupa na kanyang sinasaka, nasa 120 kaban lang ng palay ang kaniyang inani. Kaya laking ginhawa aniya ng naging epekto ng pamimili ng palay ng kapitolyo.

Kaya naman nagpapasalamat si Noemi Relucio, magsasaka mula sa Sta. Rita, Cabiao dahil kung hindi bumibili ng palay ngayon ang kapitolyo ay sigurado umanong nalugi sila dahil nasalanta ng mga nagdaang bagyo at habagat ang kanilang pananim.