BRGY. PALOMARIA SA BONGABON, BAGO NA ANG AMBULANSIYA
Isa ang barangay ng Palomaria sa Bongabon sa mga nakatanggap ng bagong ambulansya mula sa Provincial Government of Nueva Ecija sa paumumuno ni Governor Oyie Umali.
Ayon kay Kapitan Arturo Benico Sr. ang buong sanggunian ng Brgy. Palomaria ang humiling na mabigyan ng bagong ambulansya at daglian naman itong pinagbigyan.
Luma na raw kasi ang dati nilang barangay service na hiniling rin noon sa Pamahalaang Panglalawigan sa ilalim ng panunungkulan ni dating Governor Cherry Umali.
Kumpleto ang kagamitan ng ambulansya gaya ng Oxygen tank, Medical Kit at stretchers na makakatulong sa pagresponde ng mabilis sa mga emergency cases.
Malaking tulong ang bagong ambulansya dahil 2 kilometro ang layo ng pinakamalapit na ospital sa kanilang barangay.
Kaya taos pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng pamahalaang barangay ng Palomaria sa bayan sa bagong ambulansya na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

