BABALA! SENSITIBONG BALITA:
MGA PULIS NG NUEVA ECIJA NA INASSIGN SA RALLY SA MENDIOLA, SUGATAN
Pinagkalooban ng financial assistance ang mga tauhan ng Police Regional Office 3 na nasaktan at nasugatan sa naganap na kilos-protesta sa paggunita ng ika-53 taong anibersaryo ng Martial Law na ginanap sa Mendiola, Manila.
Base sa report ng NEPPO (Nueva Ecija Provincial Police Office), dalawa sa mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company na na-assign sa Mendiola ang nasaktan.
Naging mainit kasi ang pagpapahayag ng galit ng mga mamamayang nakilahok sa “Baha sa Luneta: Aksyon Laban sa Korapsyon” Rally sa Mendiola.
Ngunit sa kabila nito ay hindi umano naging malupit ang kapulisan at kanilang naipamalas ang disiplina at kanilang sakripisyo sa paggampan sa tungkulin.

