BABALA! SENSITIBONG BALITA:
2 Suspek sa ₱93-Million Investment Scam, Huli sa Entrapment Operation
Nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac Provincial Field Unit (PFU) 3 ang dalawang suspek sa isang malaking investment scam na umabot sa mahigit ₱93 milyon ang naloko mula sa mga biktima.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Joyce” at “Mauris”, na naaresto sa isang entrapment operation noong Oktubre 17, 2025, sa Starbucks, Marquee Mall, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa report ng CIDG Tarlac, ginagamit ng mga suspek ang isang pekeng investment scheme na nang-aakit ng mga mamumuhunan sa pangakong mataas na tubo o kita sa loob ng maikling panahon.
Huli umano sa akto ang dalawa na tinatanggap ang marked money mula sa mga nagreklamo. Narekober sa kanila ang mga cheque na nagkakahalaga ng ₱18 milyon, marked bills at boodle money, at mga cellphone na ginamit sa transaksiyon
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Estafa (Article 315 ng Revised Penal Code).

