MGA GURO, ISANG LINGGONG WALANG PASOK; MASAYA SA IBINIGAY NA WELLNESS BREAK NG DEPED

Masayang tinanggap ng mga guro at mag-aaral ang anunsyo ng Department of Education o DepEd hinggil sa wellness break na ipatutupad mula Oktubre 27 hanggang 30, 2025.

Layunin ng hakbang na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga guro at estudyante na makapagpahinga at makabawi matapos ang mga nagdaang kalamidad at pagtaas ng kaso ng trangkaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, nararapat lamang na mabigyan ng pahinga ang mga guro at mag-aaral upang maibalik ang sigla at motibasyon sa pagtuturo at pag-aaral.

Ikinatuwa naman ito ng maraming guro, na nagsabing malaking tulong ang isang linggong pahinga upang maayos ang ilang personal at pang-paaralang gawain, makasama ang pamilya, at makapag-bonding.

Pinayuhan din ng DepEd ang mga paaralan na i-adjust ang midyear In-Service Training (INSET) na orihinal na nakatakda rin sa parehong linggo.

Ang mga klase ay muling magsisimula sa Nobyembre 3, 2025, kasunod ng paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.