BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Notorious cop killer, naaresto sa Nueva Ecija matapos ang 28-taong paghahanap!

Isang pugante na matagal nang hinahanap dahil sa pagpatay ng isang police officer at sa sunod-sunod na krimen ang naaresto sa Nueva Ecija pagtapos ng 28-taong manhunt.

Kinilala ang suspect na si alias “Pandong/Ed,” 57 years at dating key member ng gun-for-hire Atacador Group. Isang sindikato na responsable sa mga assassination at robbery sa Nueva Ecija, Aurora, Cavite, at Nueva Vizcaya noong dekada nubenta hanggang unang bahagi ng 2000s.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), nadakip siya noong October 26 sa Barangay Mapalad, Sta. Rosa, sa isang joint operation na pinangunahan ng Regional Intelligence Division, katuwang ang Sta. Rosa Police, Nueva Ecija Provincial Police, at ng mga tactical units ng Regional Mobile Force Battalion.

Konektado umano ang suspect sa tatlong kaso:
dalawang bilang ng murder na non-bailable at isang bilang ng frustrated murder na may piyansang P100,000.

Akusado siya sa pagpatay kay PO1 Ronald Diamat at nakasugat kay SPO2 Samuel Bulan sa nabigong arrest attempt sa kanya sa Sta. Rosa noong taong 2000; at sangkot siya sa pagpatay ng isang security guard sa Cabanatuan City noong 1990.

Isasailalim ang suspect sa arraignment sa Regional Trial Court ng Cabanatuan City. Ang pagkakahuli sa kaniya ay itinuturing na isang mahalagang tagumpay sa kampanya ng PRO3 laban sa mga most wanted criminals sa Central Luzon.